September 20th, 2008

PAG MAY TYAGA MAY 13 month Pay

isang surprise visit ang naganap sa opisina kamakailan lang ( lalim ng tagalog x2 )

 hindi ko inaasahan na may mga communications trainer na maglilibot libot para humablot ng agent

 at isalang sila sa interrogation na tinatago nila sa pangalang buplus. Parang kaning baboy ang naging emosyon

 ko nung tinawag ako para isalang sa interrogation. Masaya na malungkot na kabado pag pinaghalo ang panget pa rin

 ng nararamdaman ko. Ganito ang halos eksaktong pangyayari.

 kinausap ako ng Supervisor ko via phone patch para sabihing mag memeeting ako. Pag pindot ko ng meeting masaya sana akong

 lalapit sa Sup ko pero nakita kong may katabi siyang babaeng may dalang mga papel. Namaga ang mata ko pero sa tindi ng kaba ko naging muta siya kagad

 lapit....lapit............pushaena nakikita ko na ang malambing na ngiti ng mag iinterrogate sakin napapangiti ako eh naalala ko na spontateous ang gagawin namin

 na english mode pa kaya nangiti ako tas parang pakiramdam ko biglang may nangilo sa isa sa mga ipin ko.


 naghanap cia ng pwestong pwede nia ako masolo. hindi nia naisip na pwede sa fire exit o kaya sa conferrence area. dun kami sa stc area nag usap.

 SIMULA NA NG INTERROGATION:

 binigyan nia ako ng ng background sa gagawin namin. ciempre ako nakinig ng mabuti.... nakinig nang nakinig... nakinig nang nakinig nang nakinig

 siya lang ang naririnig ko, walang hangin , binabasa ko bawat buka ng bibig niya.... matagal akong nakatingin sa labi nia, mukhang malambot pala

 ang labi nia, nawala ako sa konsentrasyon. Balik larc balik ... concentrate..... concentrate,, kaka concentrate ko inantok ako. mamaya natapos na

 din siya magsalita.

 PHASE 1:

 tinanong nia ako ng tungkol sa sarili ko lang. ciempre pa bibo naman ako, palit ng style ng upo, dequatro style paran supervisor lang. Blah blah blah.

 TANDARARA!!!!!!!!!!! Fill in the blank at Ano Ang susunod na sasabihin mo ang naging gameshow sa utak ko.


 Sige banat lang ng english, kung di madaan sa grammar daaning sa kumpyansa. galaw galawing ang kamay para mabaling ang atensyon ni trainor sa kamay ko at wag intindihin ang gramar ko

 
 PHASE 2

 Nangawit na ang bagang ko kasasabi ng usually, actually, say for example, at kng ano anong filler na magpapahaba sa sentence structure ko

 si Trainor naman puro sulat, sana kung ganon ang gagawin nia dapat sumali na lang cia ng essay writing contest baka nanalo pa siya, sayang ang

 laway na ginamit ko kadadaldal hindi pala nia taimtim na pinakikinggan ( lalim ng tagalog x4 ) ang sinasabi ko. Ayan na sa sobrang dami ng sinabi ko

 nanginginig na ang buong ngipin ko. pati adams apple ko nalunok ko na kakekwento akala ko emergency food.

 PHASE 3.

  Si Trainor panay sulat lang... yes lang siya ng yes , hanggang sa nagsawa na ako ... ciempre power words ang sinabi ko. "THATS ALL" ( gamitin ang salitang yan kung puro hangin na lang ang nasa utak )

  Nagkaroon ng aftershock sa nangyari. nakangisi lang bibig ko habang naglalakad papunta sa station ko. Kelangan ko buuin ang sarili ko bago mag call

  Form Feet and Legs

  Form arms and torso

  form head

  Ayan buo na ako kelangan na mag calls

  balik call mode

  .....

Posted by dog180 at 03:59 PM | 2 Super Message

July 6th, 2008

iterno mo ang kanta sa musiko

 

HOY!!!

ang isang taong mahilig sa kanta nakikita sa kanyang porma... TAMA yan. tingnan nio

Umpisahan natin sa ....

RNB

 ang mga taong mahilig sa RnB at naging deboto eh kelangan meron silang netcap o kaya bull cap, ang damit dapat laylay, malaki at mag mukhang bistida. Minsan kelangan naka jersey tapos may sando sa loob. Kahit di nag babaskelbol kelangan naka jersey at bull cap para magin RnB dude na cool na cool ang dating. ciempre di mawawala ang signature ng mga RnB na nagsisikintabang "Bling Bling" yeah!! . Kahit peke, basta makintab at kitang kita, swak na sa pormang RnB. At pag magpapapicture kelangan naka "peace yeo" ang kamay. kahit san yan makita mo na lang sarili nilang picture parang komang na talangka. dapat pala may baller

at ang kabaliktaran nila...

EMO

unang una kelangan malungkot ka, suplado, depress, loner ang mukha , mukhang magpapakamatay,  parang naluging bakla . Nakaitim na damit, Buhok kelangan may bangs at natatakpan ang kalahating mukha. minsan magulo na parang walang suklay. ang medyas kahit di pantay basta mahaba at mukhang wirdo ok at swak na yun. low waist ang pants, belt dapat yung tusok tusok, bracelet dapat itim o kaya kahit anong magmumukha kang kasali sa kulto mas ok. Pag babae di mawawala ang ternong black at pink. sa lalake black tapos vans ang sapatos.  Dapat yung bag kung meron yung may kalansay na design ( di ko lubos maisip kung bakit kalansay ang dapat na design). may maskara sa mata na parang sinapak nang bouncer ang itsura. . Sa picturan kelangan nakayuko tapos parang problemado, di nakatawa, akala mo nakakaawa pero hindi pala, kasi mukha silang nilibagang mangyan.

 RAKISTA

  mohawk!!!! kung hindi naman basta naka gel at tayung tayo . dapat mala dragonball z ang buhok. Mukhang putlaing tanga, nakalipstick na itim , kapareho ng damit ng EMO peeps ( see EMO for explanation ) shorts na chekerd, kadalasan sa lalaki naka shirt na printed lang tapos ang mga nakaprint yung paborito nilang banda ( alesana, cradle of filth ). pag tiningnan mo mukhang sasapakin ka, grupo dapat para mas kapansin pansin, minsan may dalang gitara kahit nuknukan ng bobo ( for aestethic use only). itim na kuko, itim na kwintas. may hikaw kung saan saan ( tenga ilong kilay utong pusod ) Pag may tatoo astig na astig , pag may hena  bading yun. Sa Picturan "ROCK ON!!" tapos lawit dila. m. naka ( \m/ ) mahilig mag mura, mura ng mura

Example:

rakista 1 : Putang ina tol musta

rak2 : tangina mo !! ok naman eto may trabaho

rak 1: tangina hindi nga??

rak2: tangna uu nga colcenter

rak1: puta bigatin

rak2:tangina mo!!

rak1: ge alis na ako gagu..

rak1: cge tol PAK YOU!!!

rak2: pak you ka rin!! 

 ....

 ayus sa usapan. parang ang tingin sa lahat ng tao p*ta

 POP

 Dresscode: Sa babae Forever Pink, pink dito pink doon basta tapos ang usapan. matitino naman ang damit nila at sila ang kinalilibugan ng mga rakista, ang EMO di sila papansinin kasi malungkot pa rin sila parang tulalang tanga. basta marinig nila ang favorite song nila.. ganito ang maririnig mo sa kanila

aaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!!

o kaya

sheeeeeeeeeeeeeet!!!

sabay nginig nginig ( kinikilig ) at sasabayan nila ang kanta kukuha ng mic ( kahit anong hawak nila gagawin nilang mic ) ano pa,......  ewan basta puro usapang pag ibig ang nasa utak nila,

 

Posted by dog180 at 07:49 PM | 2 Super Message

June 15th, 2008

muntik na..

muntik na akong ma tetano at magang maga yung kamay ko. kala  ko nung una magang sugat lang pero bago ako umuwi galing office nagsisisakita n na yung mga daliri ko at panay kamot ko na  ng kamay. pag uwi ko sa bahay tulog ako deretso pag gising ko pati braso ko nagsisimula  nang sumakit tas may marka na ng pula mula sa kamay komng may sugat hanggang sa braso ko. mejo natakot na ako kaya pa check up ako kagad sa doktor. sabi ng doktor buti na lang nag pacheck up agad ako kung hindi malamang kumalat na yung impuoek syon ko sa katawan. tatlong injection kagad tinurok sakin. una yung sa skin test para chechekin kung may allergy ako. yung dalawa, antitetano shots. ang liit ng sugat pero nadale yung kamay ko.

 natusok kasi ako ng alambre sa kamay nung nilalagay ko sa kulungan yung mga tuta. kala ko bale wala lang.

mejo natakot ako nun.. yoko na maulit yun. hirap ng pakiramdam nung kumakalat yung impeksyon at unti unting dinadale yung katawan mo.

isa pa, sayang yung special skills allowance ko nauwi lang sa pagpapagamot.

Currently feeling: uncomfortable
Posted by dog180 at 09:50 PM | 5 Super Message

June 6th, 2008

 

 

numero

singko

5

bakasyon engrande ang gagawin ko.

di pala ako makakasama sa batangas nila apes.

Babalik ako dito sa wednesday kasi may pasok ako

tapos thursday hanggang friday wala akong pasok

 

Posted by dog180 at 10:35 AM | 1 Super Message

March 25th, 2008

SURBEY DAY PART 2

Name one negative thing about you..
- makakalimutin


What were you doing 30 minutes ago?
- nag log in sa avaya

Sport(s) you wanted to learn?
- basketbol amputang frustration

Ever played basketball?
- uu nung PE namin tsaka nung highschool
What was the last thing you bought?
- pizza

Do you talk a lot?
- uu

How was your day yesterday?
- saya

Are you an optimistic one?
- uu

Contented in life?
- hindi... lahat naman ng tao hindi pa nakokontento sa buhay nila


Are you happy with the love of your life?
- Its COMFLICATED

Do you skip meals?
- wala ako sa oras kumain kaya di ko alam ang "skip"

Do you consider yourself smart?
- matalino at gwapo

Are you typically a jolly person?
- uu

Name one enemy of yours..
- wala

Name one close gal friend:
- cath

Who's the first person in your phone
- ana roosevelt

What did the last text message you received say?
- KK

Do you eat tusok-tusok
- I eat and tusok-tusok

Song playing at the moment:
- wala

How do you deal with stress?
- 2 bottles then bagsak sa kama

Ever broken someones heart?
- hindi pa

What makes you happy?
- pag nakikita kong nahihirapan at nabwibwiset ang mga kaibigan ko nyaknyak nyak

What is the last thing you said aloud?
- "dana , chris kelangan ng 200 ambagan sa website"

How much was your tuition fee?
- sikret

Is someone bitter to you?
- bitter wala ewan pero mukhang ampalayang kaibigan meron.

One word to describe you right now..
- handsome

Posted by dog180 at 11:38 AM | Dag-Dag ka??
« Newer | »